Ang karapatan sa maayos na kalusugan ay pundamental na karapatang-pantao. Kaya naman ang
pagtugon sa pangangailangang pangkalusugan ng taumbayan ay prayoridad ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo.
Kaugnay nito, ika-23 ng Abril, isinagawa sa City College Kalap Hall, City Government Complex, Brgy. Guinobatan ang Grand Launching ng BEMONC (Basic Emergency Maternal Ostetric and Newborn Care) Center.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Mayor Malou katuwang sina City Health Officer, Dr. Basilisa M Llanto, Dr. Maria Mencee Alferez – Rural Health Physician BEMONC Officer in Charge, Rural Health Physician Dr. Reo P. Cantos, Dr. Von Hidalgo – City Doctor, Dr. Cielo Angela A. Ante FPAFP, MHA, MPH (PHO), Dr. Dante A. Nuestro MHA – Chief of Hospital II OMPH, Dr. Ria Nerissa Navera FPOGS – Department of Obstetrics & Gynecology Head OMPH, at Dr. Arrene Mejia – Balmes – Obstetrics & Gynecology (OMPH).
Ang BEmONC ay pambansang programa ng Department of Health (DOH). Layunin nitong mabawasan ang panganib at mortalidad sa panganganak ng mga ina at kumplikasyon sa mga bagong silang na sangol.
Hindi maikakaila na pagdating sa pagbibigay at pagpapadama ng tunay na malasakit at kalinga, kay Mayor Malou, makaaasa ka!
Nakiisa rin sa naturang aktibidad ang ilan nating Midwives, BHWs, BNS, at ilan pang health care provider. Gayundin ang mga Punong Barangay at Barangay Kagawad ng kalungsuran.