LAGING PARA SA KAPAKANAN NG TAUMBAYAN
Muling umarangkada ang Expanded Health Program Team sa pagbababa ng mga serbisyong medikal para sa taumbayan ng Calapan. Ika-18 ng Abril, Brgy. Parang naman ang kanilang pinuntahan.
Ilan lamang sa ipinagpasalamat ng mga residente ng Brgy. Parang ay ang paghahatid sa kanila ni Mayor Malou Flores-Morillo ng libreng Anti-Pneumonia vaccine, HPV Vaccine, dental health services, health card services (membership & renewal), eyeglasses referral, medical consultation, PhilHealth Card processing, pamimigay ng mga bitamina, gamot at iba pa.
Target ng Expanded Health Program, sa inisyatibo na rin ni Mayor Malou, na maipaabot at mahandugan ang taumbayan ng libreng serbisyong medikal na kanilang kinakailangan.
Lubos na naisakatuparan ang mga serbisyong medikal sa pakikiisa nina Dr. Mencee Alferez, Dr. Von Hidalgo (City Doctors), Mr. Christian Alferez (City Nurse), Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs and Sectoral Concerns), Ms. Charissa ‘Isay’ Flores-Sy (Volunteer), Madam Julie Paduada (Health Card Program Manager), CSWD, PhilHealth at ilang kawani ng Serbisyong TAMA Center.