Upang suportahan ang ‘pot-making’ dito sa lungsod, gayundin ay para maging alternatibong pagkukuhanan ng kabuhayan ng mga taga-Calapan, ika-16 ng Abril, personal na tinungo ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo ang Brgy. Palhi kung saan naroroon ang ilang kabahayan at residenteng may dunong at kasanayan sa paggagawa ng mga tungko (native stove) at paso (pot) na gawa sa clay (luwad) – kasama ang ilan pang kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Ang hiling ng Ina ng Lungsod na muling pagtangkilik at pag-akap sa mga ganitong tradisyon ay napapailalim sa kanyang hangarin ng isang luntiang lungsod o Green City.
Aniya pa, mainam na ating bigyang pansin at muling pagyamanin ang ganitong kultura at kinasanayan.
Ang balik tradisyong ito ay patunay lamang na mahalaga sa Alkalde ang makatulong sa kabuhayan ng taumbayan, habang pinagyayaman ang ating kultura at mga kinagisnan.