IBP SLR LEGAL AID SUMMIT AND PLANNING, IDINAOS AND LUNGSOD NG CALAPAN
Dumalo si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa idinaos na
Integrated Bar of the Philippines (IBP) Southern Luzon Regional Legal Aid Summit and Planning 2024 na may temang “The Eco Lawyers: Makasamang, Makakalikasang, Manananggol”, ginanap sa Filipiniana Hotel and Convention Center, Calapan City, nitong ika-4 ng Abril.
“Kami po rito sa Lungsod ng Calapan ay lubos na nagagalak, sapagkat dito napiling idaos ang isang mahalagang pagtitipon ng mga kasapi ng IBP SLR and Legal Aid Summit and Planning na inisyatiba ng IBP Southern Luzon Region, upang patuloy iangat ang pamantayan ng legal profession, at mas mapabuti and administrasyon ng hustisya at epektibong magampanan ng mga miyembro ang kanilang responsibilidad, para sa mga kapakanan ng mga mamamayan”. — Mayor Malou F. Morillo
Naging bahagi rin ng naturang aktibidad sina Congressman, Arnan C. Panaligan, Representative of the First District of Oriental Mindoro, kasama sina Atty. Joel J. Jabal (Legal Aid Chairperson of OrMin Chapter & Deputy Director for Southern Luzon Region), Atty. Pitero M. Reig (Governor for Southern Luzon Region) at Atty. Thaddeus E. Venturanza (IBP President of Oriental Mindoro Chapter), gayundin ang mga IBP SLR Delegates, kabilang ang mga chapter president at member at iba pang mga panauhing dignitaryo (Cedric Errol A. De Guzman/CIO).