Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan,
sa pamamagitan ng City Agricultural City Sevices Department, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang mga rice farmer at hog raiser ng Lungsod ng Calapan.
Nitong ika-5 ng Abril, sa Demo Farm, Barangay Biga, nasa kabuuang P264,314.57 ang halagang inilaan, para mapagkalooban ng tulong ang 30 benepisyaryo, kabilang dito ang mga rice farmer at hog raiser na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF), na naisakatuparan, katuwang ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Kaugnay nito, nakasama ng Punong-lungsod, Mayor Morillo sa naturang distribusyon ng mga tseke si CALFFA Coordinator, Engr. Jasper B. Adriatico (CASD Focal Person), si Ms. Ruelita D. Nilo (PCIC Underwriter, Naujan-Puerto Galera).