Dahil sa pagpupunyagi at determinasyon ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo, tutulak na pa-
South Korea ang dalawampung (20) mangingisdang Calapeño upang magtrabaho.
Nakatakdang bumiyahe ngayong araw patungong Wando-gun, South Korea ang mga kababayan nating mangingisda mula sa Brgy. Parang, Tibag, Mahal na Pangalan, Pachoca at Baruyan. Pagha-harvest ng seaweeds at abalone ang magiging hanapbuhay ng mga ito.
Ang proyektong ito ay espesyal na kasunduan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan at Gobyerno ng South Korea. Kilalang matagumpay na negosyante at may pagkalinga sa mga naghahanap-buhay ang Alkalde ng Calapan, kung kaya’t tutok ito sa mga programang may kinalaman sa pagtatrabaho at pagsisikap upang maging maalwan. Kasipagan at pagtitiyaga ang nais ni Mayor Morillo na matutunan ng mga Calapeño. Alam niyang hindi lang sapat na mabigyan ng ayuda o salapi ang kanyang mga kababayan, kundi pangmatagalang solusyon sa kahirapan at paghahanapbuhay upang umunlad.
Kaya’t sa naging matagumpay na programa ng Calapan LGU at kabutihan ng mga taga-South Korea, nagkaroon ng oportunidad na makapagpadala ang lungsod ng unang batch ng mga mangingisda.
Sinagot ni Mayor Morillo ang pagkain, biyahe, at pabaon ng mga fisherfolks. Siya’y nasa NAIA Terminal 3 rin upang personal na ihatid ang kanyang minamahal na mga kababayan.