“MAKAKAASA PO KAYO, SA BAWAT BARANGAY IBABABA KO — LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA INYO” — City Mayor Malou Flores Morillo
Administrasyong Morillo, tunay namang hindi humihinto sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Calapeño.
Kaugnay nito, ika-2 ng Abril, muling umarangkada ang Expanded Health Program Team ng pamahalaang lungsod, at nagbaba ng libreng mga serbisyo sa Barangay Camilmil.
Sa pangunguna ni Dr. Mencee Alferez, Dr. Rachelle Ann Mae Aranez (𝐶𝑖𝑡𝑦 𝐷𝑜𝑐𝑡𝑜𝑟𝑠)
Mr. Christian Aferez (𝐶𝑖𝑡𝑦 𝑁𝑢𝑟𝑠𝑒), Mr. Japee Vega (𝐻𝑒𝑎𝑑 𝑜𝑓 𝐵𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑦 𝐴𝑓𝑓𝑎𝑖𝑟𝑠 𝑎𝑛𝑑 𝑆𝑒𝑐𝑡𝑜𝑟𝑎𝑙 𝐶𝑜𝑛𝑐𝑒𝑟𝑛𝑠), Ms. Charissa ‘Isay’ Flores-Sy (𝑉𝑜𝑙𝑢𝑛𝑡𝑒𝑒𝑟), Madam Julie Paduada (𝐻𝑒𝑎𝑙𝑡ℎ 𝐶𝑎𝑟𝑑 𝑃𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 𝑀𝑎𝑛𝑎𝑔𝑒𝑟) at ilang kawani ng Serbisyong TAMA Center, muling naisakatuparan ang nais ng Ina ng Lungsod Mayor Malou Flores-Morillo na maipagkaloob ng libre sa bawat Calapeño ang maayos na serbisyong pangkalusugan na talaga namang kanilang kinakailangan.
Ilan lamang sa libreng natanggap ng mga taga-Barangay Camilmil ay ang Anti-Pneumonia vaccine, health card services (membership & renewal), eyeglasses referral, konsultasyon at gamot, at madami pang iba.