Balikan ang naganap na pagpupulong sa pagitan ng dalawampung (20) Fisherfolks mula sa Lungsod ng Calapan, na napagkalooban ng oportunidad na makapagtrabaho sa bansang South Korea, sa
pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo.
Noong ika-27 ng Marso, nagtipon-tipon sa Barangay Balite ang naturang unang batch ng fisherfolks na ipadadala sa nasabing bansa, at bilang suportang tulong sa kanila, nagkaloob din ang Punong-lungsod ng allowance.
Samantala, kasama rin ni Mayor Malou Morillo si Mr. Ephraim Morillo na humarap sa mga fisherfolks na inaasahang magtutungo sa Korea ngayong darating na Abril, gayundin sina Acting City Administrator, City Legal Officer, Atty. Rey Daniel Acedillo, OIC, FMO, Mr. Robin Clement M. Villas, at Former City Administrator, Atty. Reymund Al F. Ussam.