Kaugnay sa isinagawang Regular Flag Raising Ceremony sa City Hall noong ika-1 ng Abril, binigyang parangal at pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-
Morillo ang mga nagwaging empleyadong nagpamalas ng kahusayan sa ginanap na “CGClympics 2024: CGC Employees’ Sportsfest“, sa pangunguna ng City Youth and Sports Development Department, na pinamumunuan ni CYSDD Officer, Mr. Marvin L. Panahon, kasama si acting City Administrator, City Legal Officer, Atty. Rey Daniel Acedillo.
Dagdag pa rito, pinagkalooban din ng mainit na pagbati at pagkilala ang kopunan ng Calapan City Men’s Futsal Team na itinanghal, bilang kampeon sa “2024 Oriental Mindoro Inter-Town Futsal Cup, Men’s Under 25 Category“, gayundin ang Calapan City Women’s Futsal Team na nagkamit ng ikalawang pwesto, para naman sa Women’s Under 25 Category.
Sa presensya ni Boxing Promoter OMABA, Mr. Rolando Dimacali, ginawaran din ng Certificate of Recognition at Appreciation ang mga kalahok na mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan na nagwagi at nagpamalas ng angking kahusayan sa ginanap na “City Goverment of Calapan’s Amateur Boxing Tournament (TAGISAN NG BANGIS: Kamao sa Kamao 2024)”.