Dinaluhan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang idinaos na “Graduation Ceremony of Existing 4Ps
Household of Calapan City, Oriental Mindoro” na ginanap sa Calapan City Plaza Pavilion, nitong ika-26 ng Marso.
Nasa kabuuang 435 na Calapeñong benepisyaryo ng naturang programa mula sa 62 barangay sa Lungsod ng Calapan ang nagsipagtapos, sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kaugnay nito, buong pagmamalaking inihayag ng isa sa mga benepisyaryo ng programang ito na si Ms. Scarlet E. Barrientos ng Barangay San Antonio ang kwento kung paano binago ng 4Ps ang takbo ng kanilang buhay, kung saan sa pamamagitan nito ay nagawa nilang makawala mula sa siklo ng kahirapan.
“Ang pagtatapos na ito ay magbubunga ng panibagong simula. Sabi nga po, sa bawat pintong nagsasara ay may panibagaong pinto na mabubuksan.” — Mayor Marilou F. Morillo
Samantala, ang matagumpay na aktibidad ay dinaluhan ng mga panauhing kinatawan ng provincial at city government na sina Ms. Emerliza R. Agleron (Social Welfare Officer III), Ms. Maridel T. Rodriguez, RSW (Provincial Link-Oriental Mindoro), Mr. Manuelo Mahia, RSW (SWO IV), at iba pang mga dignitaryo.