Aruga ng isang ina? Tunay naming kay Mayor Malou Flores-Morillo, iyong madarama.
Muli ay naghandog ang pamahalaang lungsod ng libreng serbisyong pangkalusugan ika-19 ng Marso, sa Barangay San Antonio.
Ang ibinabang Expanded Health Program ng pamahalaang lungsod ay naglalayon na higit pang maalalayan at maserbisyuhan ang taumbayan pagdating sa kanilang usaping pangkalusugan.
Dahil libre ang lahat ng serbisyong ibinaba ni Mayor Malou, dinagsa ng residente ng nasabing barangay ang naturang aktibidad.
Naging posible ang naturang programa sa pagtutulungan nina Dr. Mencee Alferez, Dr. Von Lyndon M. Hildago (City Doctors), Mr. Christian Alferez (City Nurse), Mr. Jaypee Vega (Head of Barangay Affairs and Sectoral Concerns), Ms. Charissa ‘Isay’ Flores-Sy (Volunteer), Madam Julie Paduada (Health Card Manager) ilang kawani ng Serbisyong TAMA Center, at ni Dr. Austin James F. Sy, ENT (Volunteer).
Ilan lamang sa serbisyong napakinabangan ng mga taga-Barangay San Antonio ay ang Free Anti-Pneumonia vaccine, health card services (membership & renewal), eyeglasses referral, libreng konsultasyon at gamot, at madami pang iba.