TRAILERS, IPINAGKALOOBAN SA PITONG FARMERS ASSOCIATION

Ipinamahagi na ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech)

at ng Pamahalaang Lungsod ang Trailers para sa Combine Harvester ng pitong (7) Farmers Association sa Calapan nitong ika-13 ng Marso.

Sa matiyagang pakikipag-ugnayan ng City Agricultural Services Department na pinamumunuan din ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, muling nagalak ang Farmers Association ng Balinggayan, Baruyan, Batino, Canubing I, Gulod, Managpi, at Sta. Isabel dahil dumating na ang mga Trailers para sa kanilang mga Rice Combine Harvesterna natanggap din nila sa PhilMech.

Para sa mga magsasaka, ang tulong na ito ay malaking bagay upang mas maging madali ang kanilang paghahanapbuhay. Gayundin, sa pamamagitan nito nakakasabay na sila sa pagbabagong dala ng modernisasyon sa sektor ng agrikultura.