PHP 400K INSURANCE, IPINAGKALOOB SA MGA MAGSASAKA AT HOG RAISERS

PHP 428,195.00 na halaga Livestock and Crop Insurance ang ipinamahagi

ng Philippine Crop Insurance Corporation sa mga magsasaka at swine raisers nitong ika-14 ng Marso.

Sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department na pinamumunuan din ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, naging sunod-sunod ang pamamahagi bayad pinsala para sa mga magsasaka at hog raisers sa lungsod na naapektuhan ng mga peste at African Swine Fever.

Sa batch na ito, nasa 20 Calapeñong magsasaka at magbababoy naman ang nakatanggap ng bayad pinsala na maaari nilang gamitin para sa kanilang paghahanapbuhay.

Nakasama naman ng Punong-lungsod sa distribusyon si Mr. Joseph Umali na siyang kasalukuyang Chief of Staff ng Pamahalaang Lungsod.