Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Talakayan sa pagitan ng pamahalaang lungsod at sectoral representatives’ ng Brgy. Sta. Isabel – Calapan City Official Website

Talakayan sa pagitan ng pamahalaang lungsod at sectoral representatives’ ng Brgy. Sta. Isabel

Bumisita si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘁𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹 upang personal na pakinggan at alamin ang mga hinaing, katanungan, at mensahe ng mga Calapeñong naninirahan doon nitong ika-1 ng Setyembre.

Kasama sina City Councilor Atty. Jel Magsuci, 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮, at 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗕𝘂𝗵𝗮𝗶𝗻, isa-isang sinagot ang mga katanungan ng mga mamamayan.

Naging sentro ng talakayan ang mga hinaing ng mga tricycle drivers at operators hinggil sa pagkuha ng prangkisa. Binigyang-diin naman ng Punong Lungsod ang pagsunod sa mga batas na ipinanukala ng pamahalaan para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa kalungsuran.

Ilan pa sa mga natalakay ay ang pangangailangan ng senior citizens at magsasaka at ang mga programang pangkabuhayan para sa mga kababaihan ng barangay.

Naging positibo naman ang tugon ng Pamahalaang Lungsod lalo na ni Mayor Morillo sa mga kahilingan nila tulad ng pagkakaroon ng mga kagamitan at pagpapakonkreto ng iba pang kalsada sa barangay.