Bilang isang babaeng mayroong malasakit at pagmamahal sa taumbayan, ipinakita ni City Mayor Marilou
Flores-Morillo ang kanyang buong pusong pagsuporta sa mga kababaihan sa idinaos na International Women’s Day celebration na may temang “Lipunang Patas: Sa Bagong Pilipinas, Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”, ginanap sa Lungsod ng Calapan, nitong ika-8 ng Marso.
Sa pangunguna ng Punong-lungsod, kasama si Acting City Administrator, City Legal Officer Atty. Rey Daniel Acedillo, inumpisahan ang naturang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang motorcade na nilahukan ng KALAP Riders at City Government Department and Office Heads and employees, gayundin ng bawat indibidwal na kaisa rito at sumusuporta sa mga kababaihan.
Sinundan naman ito ng isang programa na dinaluhan nina Ms. Hiyas Govinda Ramos-Dolor (First Lady of the Province-Oriental Mindoro), Ms. Doris G. Melgar (President, People’s Council of Calapan City), Mr. Heribert Quialquial (Vice President, People’s Council of Calapan City), Ptr Cappia Dagusen-Geremia (Pastor-United Church of Christ in the Philippines), at Ms. Myrna Jimenez, Secretary General of SARILAYA, kasama ang iba pang mga dignitaryong bisita.
Itinampok din ang One Billion Rising Dance ng mga kababaihang Calapeño sa nasabing aktibidad na matagumpay na naidaos sa pangunguna ng Gender and Development Office sa pamumuno ni GAD Focal Person, Ms. Pinky S. Gahol, katuwang ang Community Affairs Office, City Information Office, Management Information System Office at People’s Council Calapan City.