Inobasyon para sa digitalisasyon. Tinalakay ng Department of Information and Communication Technology – Oriental Mindoro sa harap ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang nilalaman ng
Connect Harness Innovative Protection o CHIP Program na ilulunsad ng kanilang kagawaran ngayong 2024, ika-15 ng Pebrero.
Pinangunahan ni Engr. Norly A. Tabo, Provincial Officer, ang grupo ng DICT OrMin na bumisita sa tanggapan ng Punong-lungsod at kasama niya sa mga nagpaliwanag ng CHIP ay sina Mr. Keanu Oracion at Engr. Francis Angelo Fabul.
Ilan nga sa kanilang mga programa ay ang pagkakaroon ng libreng WiFi para sa lahat, mga pagsasanay para sa nagnanais maging digital freelancer, pagsasanay sa paggamit ng teknolohiya, pagkakaroon TEACH4ED sa mga barangay, at Cybersecurity Bureau.
Isinusulong din ng DICT ang paglunsad ng eLGU sa Calapan na isang cloud-based platform para sa automate processing ng business permit, barangay clearance, occupancy permit, at building permit.
Naging positibo naman ang tugon ni Mayor Morillo sa mga proyektong inilahad at inaasahan na magkakaroon muli ng pagpupulong sa pagitan ng DICT at Pamahalaang Lungsod.