Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Sapat na Oportunidad: Para sa Calapeño, TAMA at trabahong matatag – Calapan City Official Website

Sapat na Oportunidad: Para sa Calapeño, TAMA at trabahong matatag

#LetsBeginTheFuture

Sa tulong ng mahigit 20 local & overseas na mga kumpanya, ahensya at industriya, nasa lampas 4,300 bakanteng posisyon ang bumungad at nailatag sa ating mga job seekers, sa isinagawang 𝑱𝒐𝒃 𝑭𝒂𝒊𝒓 ng city government, sa pamamagitan ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗘𝗦𝗢 na ginanap sa City Mall sa Brgy. Ilaya ika 12 ng Setyembre taong kasalukuyan.

“𝑵𝒂𝒈𝒌𝒂𝒓𝒐𝒐𝒏 𝒑𝒐 𝒕𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒖𝒍𝒊 𝒏𝒈 𝑱𝒐𝒃 𝑭𝒂𝒊𝒓 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒕𝒖𝒈𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒘𝒂𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒖𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒓𝒂𝒃𝒂𝒉𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈𝒔𝒊𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒂𝒅𝒐 𝒏𝒈 𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒐 𝒔𝒘𝒆𝒍𝒅𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒕𝒖𝒔𝒕𝒐𝒔 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒓𝒂𝒘-𝒂𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏.” — City Mayor Malou Flores-Morillo

Paniniwala naman ni 𝗗𝗿. 𝗘𝗱𝗲𝗿 𝗔𝗽𝗼𝗹𝗶𝗻𝗮𝗿 𝗠. 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗯𝗹𝗼 – 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑷𝑬𝑺𝑶 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒓, malaking tulong ang naturang job fair upang maikonekta ang mga determinadong Mindoreño sa mga lehitimong employer, na makapagbibigay sa kanila ng oportunidad na magkaroon ng matatag at ligal na hanapbuhay.

Dagdag pa ng Ina ng Lungsod, ang pagkakaroon ng disenteng trabaho ay malaking hakbang sa pagpapabuti ng estado ng buhay ng bawat pamilyang Mindoreño, kaya naman tunay na binibigyang pansin aniya ng kanyang administrasyon ang malawak na job opportunities para sa mga mamamayan.

Lubos na naisakatuparan ang nasabing job fair sa kooperasyon na rin ng 𝗣𝗘𝗦𝗢 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗗𝗢𝗟𝗘 at pamunuan ng 𝗖𝗜𝗧𝗬𝗠𝗮𝗹𝗹.

Samantala naroroon din ng araw na iyon ang 𝗣𝗦𝗔 para maka tulong sa mga aplikante na magkaroon ng kani-kanilang 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑰𝑫.