Pinakonkretong kalsada sa Sitio Ilaya, Brgy. Camansihan

“GINAWANG HINDI IPINANGAKO” | 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗢𝗡𝗞𝗥𝗘𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗧𝗜𝗢 𝗜𝗟𝗔𝗬𝗔, 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗡𝗦𝗜𝗛𝗔𝗡

Pinasinayaan sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 anf nasabing Farm to Market Road sa Sitio Ilaya, Brgy. Camansihan. Proyektong karugtong ng kalsadang pinapangarap na mabuo upang ganap na maging maalwan ang pamumuhay ng mga residente dito.

Sa maayos na ugnayan ng Pamahalaang Lungsod at ng Sangguniang Barangay ng Camansihan na kinakatawan ni Barangay Chairman Jimmy Soriano ay inaasahang makukumpleto ang pagpapasemento ng farm to market road na hatid ay kaginhawahan sa mga magsasaka.