Farm to market road sa Sitio Buhuan, Brgy. Comunal

“GINAWANG HINDI IPINANGAKO” | 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗧𝗜𝗢 𝗕𝗨𝗛𝗨𝗔𝗡, 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗖𝗢𝗠𝗨𝗡𝗔𝗟

Pinasinayaan na ang kalsada na nagkakahalaga ng 1.2 million pesos sa Sitio Buhuan, Barangay Comunal, Calapan City na pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼.

Isa lamang ito sa mga proyektong hinihiling ng mga residente na binigyang katuparan ni Mayor Malou sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Comunal sa pamumuno ni Barangay Captain Rolando Dimasacat.

Umaasa ang mga magsasaka sa lugar na maipagpapatuloy ng kasalukuyang administrasyon ang pagpapasemento ng kabuuan ng naturang farm to market road upang maging maalwan ang pagdadala ng kanilang produkto sa mga pamilihan.