City Christmas Nightly Show

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗱𝗲 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟯-𝟮𝟬𝟮𝟰 na nakaangkla sa temang “𝑷𝒂𝒕𝒓𝒐𝒏𝒈 𝑺𝒕𝒐. 𝑵𝒊𝒏̃𝒐: 𝑺𝒖𝒎𝒂𝒔𝒂𝒍𝒐 𝒂𝒕 𝑺𝒖𝒎𝒂𝒔𝒂𝒍𝒐́ 𝒔𝒂 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚

𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐”, masayang idinaos at sinimulan ang pagsasagawa ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗺𝗮𝘀 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁𝗹𝘆 𝗦𝗵𝗼𝘄 sa pangangasiwa ng Calapan City Tourism, Culture and Arts Office na ginanap sa Calapan City Plaza Pavilion, nitong ika-15 ng Disyembre.

Ang naturang gabi ng pagtitipon ay pinasaya ng 𝗗𝗲𝘇𝘇𝗮 𝗗𝗿𝗲𝗮𝗺𝗲𝗿 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻, sa pangunguna ng iba’t ibang mga talentadong artist na naghandog ng kani-kanilang mga awitin para sa madla, kung saan humataw rin sa pag-indak sa entablado ang 𝗚𝗮𝗹𝗮𝗶𝗮 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗧𝗿𝗼𝘂𝗽𝗲.