Upang mas mapaigting ang pangangalaga ng mga 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒓𝒆𝒂𝒔 ng Calapan, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗺 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀, ang 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒓𝒆𝒂 (𝑴𝑷𝑨) 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑷𝒍𝒂𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑾𝒐𝒓𝒌𝒔𝒉𝒐𝒑 nitong ika-11 hanggang ika-14 ng Disyembre sa Bulusan Park, Calapan.
Nahati sa dalawang batch ang pagsasanay: kabilang sa unang batch ay ang 60 tagapangalaga ng 𝗠𝗮𝗶𝗱𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗲𝗮𝗰𝗵 𝗙𝗼𝗿𝗲𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘀𝗲𝗿𝘃𝗲 at 𝗦𝗶𝗹𝗼𝗻𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗿𝗼𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗰𝗼𝗽𝗮𝗿𝗸, at sa pangalawang batch naman ang 40 tagapangalaga ng 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗠𝗣𝗔, 𝗦𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗿𝗼 𝗖𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗮𝗴𝗿𝗮𝘀𝘀 𝗠𝗣𝗔, at 𝗛𝗮𝗿𝗸𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗼𝘁𝗼 𝗥𝗲𝗲𝗳 𝗙𝗶𝘀𝗵 𝗦𝗮𝗻𝗰𝘁𝘂𝗮𝗿𝘆.
Gayundin, katuwang ng Pamahalaang Lungsod ang 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 — 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲, at ang 𝗘𝗴𝗴𝘇𝗼𝘀 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀. Naroon bilang kinatawan ng Blue Alliance si 𝗠𝗿. 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗼𝘀 𝗥. 𝗩𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼, at mula naman sa Eggzos ang ilang mga Resource Speakers na sina 𝗠𝘀. 𝗘𝗹𝗹𝗲𝗻 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗲 𝗭. 𝗚𝗮𝗹𝗹𝗮𝗿𝗲𝘀, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝗺𝗲𝗹 𝗞𝗶𝗿𝗶𝘁, 𝗠𝘀. 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝗲 𝗡𝗲𝗹𝗹𝗮𝘀, 𝗠𝘀. 𝗡𝗲𝗻𝗲𝘁𝗵 𝗖𝗹𝗲𝗻𝘂𝗮𝗿, at 𝗠𝘀. 𝗛𝗮𝘇𝗲𝗹 𝗣𝗮𝗻𝗲𝘀.
Layunin ng pagsasanay na makapagbuo ng isang libro kung saan nakapaloob ang mga plano, gawain, at programa na isasagawa para sa pangangalaga ng mga MPAs. Kaya naman, nais ng Pamahalaang Lungsod na makibahagi ang mismong nangangalaga sa mga MPA upang sila mismo ay makapagbigay ng opinyon at suhestyon para sa kapakanan ng ating yamang tubig.