Libreng Flu & Pneumonia vaccine para sa mga Guro

Sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑻𝑨𝑴𝑨𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏, libreng bakuna laban sa flu at pneumonia ang handog ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 para sa mga teaching and non-teaching staff ng 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 at 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗰𝗼 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 nitong ika-12 ng Disyembre.

Ang naturang programa ay inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Mayor Morillo na katuwang naman si 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗔𝗹𝗳𝗲𝗿𝗲𝘇, 𝗥𝗡 — ang ating 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑵𝒖𝒓𝒔𝒆. Naroon din sina 𝐶ℎ𝑖𝑒𝑓 𝑜𝑓 𝑆𝑡𝑎𝑓𝑓 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, at si 𝗠𝗿. Jaypee M. Vega na siyang 𝐻𝑒𝑎𝑑 𝑜𝑓 𝐵𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑦 𝐴𝑓𝑓𝑎𝑖𝑟𝑠 𝑎𝑛𝑑 𝑆𝑒𝑐𝑡𝑜𝑟𝑎𝑙 𝐶𝑜𝑛𝑐𝑒𝑟𝑛𝑠.

Layon ng programang mabigyan ng karagdagang proteksyon at palakasin ang resistensya ng mga Calapeño — partikular na ang ating mga kaguruan, laban sa sakit tulad ng trangkaso at pulmonya.