Taimtim na naidaos muli ang 𝑶𝒑𝒆𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒍𝒗𝒐, Lunes ika-4 ng Disyembre na pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng Ina ng Lungsod, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿
𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼.
Ang 𝑴𝒊𝒔𝒂 𝑨𝒍𝒄𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒂 o 𝑶𝒑𝒆𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒍𝒗𝒐 ang syang pormal na hudyat ng pagsisimula ng isang buwang pagbibigay pugay sa ating Pintakasing si 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼.
Sa tema ngayong taon na, “𝗣𝗮𝘁𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼: 𝑺𝒖𝒎𝒂𝒔𝒂𝒍𝒐 𝒂𝒕 𝑺𝒖𝒎𝒂𝒔𝒂𝒍𝒐́ 𝒔𝒂 𝑩𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐” — ipinaaalala sa atin na kung mamarapatin nating manatili at manahan sa atin si Hesus, ay mananatili rin Siya ng palagian sa ating buhay.
Pinangunahan ang naturang misa ni 𝗙𝗿. 𝗡𝗲𝘀𝘀 𝗔𝗱𝗮𝗹𝗶𝗮, 𝗥𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 ng 𝗦𝘁𝗼 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 — na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa city government sa muling pangunguna sa pagpaparangal sa ating Patrong Sto. Niño.
Nagpahatid din ng taos-pusong pasasalamat ang simbahan at ang pamahalaang lungsod kina 𝗠𝗿. & 𝗠𝗿𝘀. 𝗚𝘂𝗶𝗱𝗼 𝗕𝗮𝗴𝘀𝗶𝗰, ang tumayong 𝑯𝒆𝒓𝒎𝒂𝒏𝒐 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 noong nakaraang taon. Kasabay nito ay pormal na ring ipinakilala sa taumbayan ang bagong Hermano Mayor sa katauhan ni 𝗠𝗿. 𝗢𝗿𝘃𝗲𝗻 𝗥𝗮𝗯𝗶𝗻𝗼.
Mainit rin namang nakibahagi sa misa si 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, 𝗖𝗔 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗮𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, Department Heads, Program Managers, Office Head at mga empleyado ng pamahalaang lungsod, City Councilors, Miss Calapan Candidates, ilan pang mga ahensya at opisina sa lungsod at marami pang iba.
Samantala, matapos ang banal na misa ay iniikot ang Mahal na Patrong Sto. Niño sa kalungsuran upang masilayan ng mga Calapenong deboto at makapagbigay ng basbas at patnubay sa mga ito.