Walong barangay sa Lungsod ng Calapan ang napagkalooban ng 𝗳𝗼𝘂𝗿 𝘄𝗵𝗲𝗲𝗹 𝘁𝗿𝗮𝗰𝘁𝗼𝗿 at 𝗿𝗶𝗰𝗲 𝗰𝗼𝗺𝗯𝗶𝗻𝗲 𝗵𝗮𝗿𝘃𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿 na mula sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲-𝗣𝗛𝗶𝗹𝗠𝗲𝗰𝗵, sa ilalim ng 𝗥𝗶𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗘𝗻𝗵𝗮𝗻𝗰𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗙𝘂𝗻𝗱 (𝗥𝗖𝗘𝗙) 𝗠𝗲𝗰𝗵𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, ginanap sa Kalap Court, City Hall, nitong ika-28 ng Nobyembre.
Nabiyayaan ng rice combine harvester ang mga benepisyaryo na mula sa Farmers Association ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘆𝗮𝗻, 𝗕𝗮𝘁𝗶𝗻𝗼, 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜, 𝗚𝘂𝗹𝗼𝗱, 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗽𝗶, at 𝗦𝘁𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹, samantalang nakatanggap naman ng four wheel tractor ang Farmers Association ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜𝗜, at 𝗚𝘂𝗹𝗼𝗱.
Ang naturang aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa pangangasiwa ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, sa pamumuno ni 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘈𝘨𝘳𝘪𝘤𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘪𝘴𝘵, 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗩. 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, kung saan dinaluhan din ito nina 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘈𝘥𝘮𝘪𝘯𝘪𝘴𝘵𝘳𝘢𝘵𝘰𝘳, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci, at 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗼𝗻 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗣𝗮𝗻𝘀𝗼𝘆, gayundin ang mga kinatawang mula sa 𝗗𝗔-𝗣𝗛𝗶𝗹𝗠𝗲𝗰𝗵 sa pangunguna ni 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗕𝗲𝗻𝗴𝗼𝘀𝘁𝗮 (𝘚𝘦𝘯𝘪𝘰𝘳 𝘚𝘤𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘙𝘦𝘴𝘦𝘢𝘳𝘤𝘩 𝘚𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭𝘪𝘴𝘵).
Lubos na pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga kasapi ng nasabing samahan para sa kanilang natanggap na machineries, na binigyang katuparan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa DA-PHilMech.