Isinagawa at binigyang daan, para sa mga kabataang nagmula sa mga coastal barangay sa Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, ginanap sa Largo Resort, Brgy. Nag-iba, Naujan nitong ika-25 at 26 ng Nobyembre.
Matagumpay na naisakatuparan ang naturang aktibidad sa pangunguna ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, katuwang ang 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗳𝗼𝗹𝗸𝘀 𝗔𝗱𝘃𝗼𝗰𝗮𝘁𝗲𝘀, kung saan naging tagapagsalita rito sina 𝗠𝘀. 𝗣𝗶𝗻𝗸𝘆 𝗦. 𝗚𝗮𝗵𝗼𝗹 (𝑺𝒑𝒆𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒕 𝒐𝒏 𝑴𝒖𝒍𝒕𝒊 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒄𝒆𝒓𝒏𝒔, 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓), 𝗠𝗿. 𝗢𝗿𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗠𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 (𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 𝑨𝒅𝒎𝒊𝒏𝒊𝒔𝒕𝒓𝒂𝒕𝒐𝒓), 𝗠𝘀. 𝗘𝗹𝗹𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗗𝗶𝗼𝗺𝗮𝗺𝗽𝗼 (𝑺𝒑𝒆𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒖𝒍𝒕𝒂𝒏𝒕 𝒊𝒏 𝑮𝒆𝒏𝒅𝒆𝒓 𝒂𝒏𝒅 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕), at 𝗠𝗿. 𝗖𝗹𝗮𝗿𝗸 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 ng Fisheries Management Office.
Ang naturang aktibidad ay kinapalooban ng iba’t ibang sesyon at talakayan na ang tunguhin ay makapaghatid ng kaalaman, sapagkat layunin ng gawain na mapagbuklod ang mga kabataan, upang makapagbuo ng isang matatag na samahan, para sa mga nagnanais magsulong ng mga programang makakatulong sa pagprotekta ng karagatan.