Nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, sa idinaos na pangkalahatang pagpupulong ng mga kasapi ng 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗽𝗲𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴𝗶𝘀𝗱𝗮 (𝗦𝗔𝗞𝗔𝗚) na silang mga Presidente ng bawat asosasyon o samahan na mula sa dalawampu’t tatlong (23) coastal barangay sa Lungsod ng Calapan, ginanap sa Barangay Lalud, nitong ika-26 ng Nobyembre.
Ang nabanggit na samahan ay pinamumunuan ng 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒖𝒍𝒐 nito na si 𝗠𝗿. 𝗢𝘀𝗺𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗨𝗹𝗶𝘁, kung saan kabilang sa mga dumalo rito at nanguna sa naturang pagtitipon ay sina 𝗠𝘀. 𝗣𝗶𝗻𝗸𝘆 𝗦. 𝗚𝗮𝗵𝗼𝗹 (𝑺𝒑𝒆𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒕 𝒐𝒏 𝑴𝒖𝒍𝒕𝒊 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒄𝒆𝒓𝒏𝒔, 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓), at 𝗠𝗿. 𝗟𝗲𝗺𝘂𝗲𝗹 𝗕. 𝗚𝗮𝗵𝗼𝗹 (𝑽𝒐𝒍𝒖𝒏𝒕𝒆𝒆𝒓 𝑶𝒓𝒈𝒂𝒏𝒊𝒛𝒆𝒓).
Isa sa mga layunin ng kanilang naging pag-uusap ay ang pagpapatibay sa karagdagang dalawang barangay na posibleng saklawin ng naturang samahan, upang maisama rin sila sa mga programa, katulad ng mga gawaing pampangisdaan, at ito ay ang Brgy. Baruyan at Brgy. Malamig, kung saan napag-alaman nilang mayroon din ditong mga mangingisda.