Hinabing oportunidad pangkabuhayan, hatid ni Mayor Malou Morillo at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan

Labinlimang (15) kababaihang kasapi ng 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗣𝗘𝗡𝗬𝗔 ng 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗽𝘂𝗹 ang nagsipagtapos sa isinagawang “𝑳𝒊𝒗𝒆𝒍𝒊𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑺𝒌𝒊𝒍𝒍𝒔 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒏 𝑮𝒂𝒓𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑷𝒓𝒐𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏” sa ilalim ng 𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗼 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗢𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘃𝗶𝗹𝗲𝗴𝗲𝗱 (𝗠.𝗔.𝗟.𝗢.𝗨.) 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 na pinangasiwaan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, ginanap sa Barangay Hall ng Sapul, nitong ika-23 ng Nobyembre.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan nina 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳, 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, 𝗖𝗧𝗜𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗘𝗻𝗣. 𝗔𝗺𝗼𝗿𝗺𝗶𝗼 𝗖𝗮𝗿𝗺𝗲𝗹𝗼 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗦. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗖𝗘𝗦𝗘, at 𝗖𝗜𝗢 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗠𝗿. 𝗕𝗮𝗿𝗼𝗻 𝗥. 𝗩𝗲𝗻𝘁𝘂𝗿𝗶𝗻𝗮, kasama sina 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗯𝗿𝗮𝗹 (𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗼𝗳 𝗦𝗮𝗽𝘂𝗹), 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝘆𝗽𝗲𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗮 (𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 & 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝘀), 𝗠𝘀. 𝗣𝗮𝘇 𝗚𝘂𝘁𝗶𝗲𝗿𝗿𝗲𝘇 (𝗞𝗔𝗟𝗔𝗣𝗘𝗡𝗬𝗔 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿), 𝗠𝘀. 𝗠𝗲𝗹𝗮𝗻𝗶𝗲 𝗖𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘁-𝗛𝗼𝘀𝗵𝗶𝗻𝗮 (𝗞𝗔𝗟𝗔𝗣𝗘𝗡𝗬𝗔 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁), at 𝗠𝘀. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 ‘𝗜𝗦𝗔𝗬’ 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗦𝘆.

Ang naturang makabuluhang pagsasanay ay tumagal ng tatlong (3) araw simula noong ika-21 hanggang ika-23 ng Nobyembre, kung saan sa pamamagitan ng tumayong tagapagsanay na si 𝗠𝘀. 𝗠𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇 ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan ng Brgy. Sapul na matuto, tungkol sa garment production, dahilan para makalikha sila ng mga produkto katulad ng apron, bag, at iba pa.

Samantala, lubos namang nagpapasalamat ang mga naging benepisyaryo ng naturang programa, dahil malaki ang maitutulong ng mga kaalamang ibinahagi sa kanila at ng mga kagamitang ipinagkaloob sa kanila para sa pananahi na nagkakahalaga ng walumpu’t walong libong (𝗣𝟴𝟴,𝟬𝟬𝟬) piso, katulad ng limang (5) unit ng makina sa pananahi, mga tela, sinulid, at iba pa.