Hitik sa mga makabuluhan at punong-puno ng saya na aktibidad ang selebrasyon ng kapistahan ng Barangay Camilmil dahil sa mismong araw ng kapistahan, Mayo 29, 2023 ay sinimulan ito sa pamamagitan ng isang ‘𝑴𝒊𝒔𝒂 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕’ sa pangunguna ni 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗪𝗶𝗹𝗹𝘆 𝗔𝗯𝗮𝘀. Matapos ang banal na misa ay sinundan ito ng pagpapasinaya sa 𝗡𝗲𝘄𝗹𝘆 𝗥𝗲𝗻𝗼𝘃𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗺𝗽𝗿𝗼𝘃𝗲𝗱 𝗚𝘆𝗺𝗻𝗮𝘀𝗶𝘂𝗺 na kung saan ay sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 ang nanguna sa Ribbon Cutting Ceremony.