Bagong drainage canal sa Sitio Amuguis, Barangay Sta. Rita, pinasinayaan

Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang ribbon-cutting ceremony, kasama si 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳, 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶 at ang mga kinatawan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗖𝗘𝗣𝗪𝗗) na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗟. 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮, 𝗖𝗘𝗦𝗘, para pasinayaan ang bagong gawang Drainage Canal na proyekto ng City Government of Calapan sa 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗔𝗺𝘂𝗴𝘂𝗶𝘀, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘁𝗮. 𝗥𝗶𝘁𝗮, Calapan City, nitong ika-20 ng Hunyo.

Nakiisa rin sa aktibidad na ito si 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗠𝗼𝘀𝘀 𝗦𝗶𝗺𝗯𝗮𝗵𝗮𝗻, at ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Sta. Rita, kasama rin ang mga kasapi ng Barangay Health Worker at kinatawan ng Sangguniang Kabataan.

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng 𝗣𝗵𝗣 𝟵𝟵𝟴, 𝟰𝟴𝟮.𝟴𝟰 na mula sa 2022 Local Development Fund, na inaasahang malaki ang maitutulong, upang maiwasan ang malawakang pagbaha sa naturang lugar.