Maayos na daan para sa mga mamamayang nasa liblib na lugar sa Calapan ang tinutukan ng Pamahalaang Lungsod pagdating sa pagpapaigting ng ating imprastraktura.
Unang araw ng Setyembre, ininagurahan ang bagong konkretong kalsada ng 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗣𝘂𝘁𝗼𝗹, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘁𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹 — isa sa mga proyekto na pinangungunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamumuno naman ni 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮.
Nakapaglaan ang Pamahalaang Lungsod ng mahigit 1.1 milyong piso (𝗣𝟭,𝟬𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬) para agarang mapakonkreto ang dating lubak na daan ng Sitio Putol. Kaya naman para sa mga mamamayan, isa itong kaalwanan sa kanilang araw-araw na buhay.
Kasama din ng Punong Lungsod sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮, at ilang miyembro 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹.