Matapos bisitahin ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑯𝒐𝒖𝒔𝒆 at 𝑽𝒆𝒈𝒆𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔 𝑮𝒂𝒓𝒅𝒆𝒏 ng 𝑮𝒖𝒂𝒓𝒅𝒊𝒂𝒏𝒔 𝑪𝒐𝒐𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑮𝒓𝒐𝒖𝒑 na matatagpuan sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘂𝗾𝘂𝗶, Calapan City ay ipinasyal ni Mayor Malou ang ilan sa kanilang mga opisyales sa 𝗩𝗲𝗴𝗲𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗿𝗯𝘆 sa Barangay Personas.
Nais ni Mayor Malou na maipakita sa grupo ang makabagong teknolohiya na ginamit at sistema ng paghahalaman sa naturang vegetable farm.
Nangako rin ang Punonglungsod na tutulungan niya ang grupo ng Guardians na magkaroon ng kahalintulad na taniman ng gulay, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 para sa technical supports pati na ang ibang kakailanganing suporta.
Kabilang sa mga opisyales ng 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱𝗶𝗮𝗻𝘀 𝗕𝗿𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿𝗵𝗼𝗼𝗱 na nakasama ni Mayor Malou sa ipinagmamalaking gulayan ng mga taga-barangay Personas, Comunal, Balingayan at Canubing ay sina 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗖𝗿𝗶𝘀 𝗗𝗮𝗿𝗮𝗼, 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗝𝗼𝗲𝗻𝗮𝗹𝗱𝗼 𝗩𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼, 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗢𝘆𝗲𝘁𝗵 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗶 at 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗔𝗱𝗼𝗹𝗳𝗼 𝗦𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹. Kasama din sa pagbisita si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci.
Lubos namang ikinatuwa ng pamunuan ng Guardians ang naging aksyon ni Mayor Morillo, anila sa simpleng pamamaraan ay kanilang naramdaman ang masidhing layunin nito na palakasin ang sektor ng agrikultura sa lungsod at mabigyan ng oportunidad ang mga samahan na magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan.