Blessing & Inauguration of the new Brgy. Calero Multipurpose Building

Napapakinabangan na ng mga residente ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗿𝗼 ang bagong gawang Multipurpose Building — ito ay matapos bendisyunan sa pangunguna ni 𝗙𝗿. 𝗟𝗶𝘁𝗼 𝗔𝗯𝗲𝗹𝗹𝗮 at pormal na pasinayaan ang nasabing istraktura na pinangunahan ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kasama ang Punong Barangay nito at ilan pang miyembro ng Sangguniang Barangay.

Tinatayang nasa lampas 3 𝒎𝒊𝒍𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒔𝒐 ang inilaang pondo para sa naturang gusaling pambarangay sa inisyatiba ng kasalukuyang administrasyon.

Lubos naman ang pasasalamat ng Punong Barangay ng Calero sa katauhan ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗮𝗻𝗱𝘆 𝗔𝗵𝗼𝗿𝗿𝗼, dahil sa walang sawang suporta ng alkalde sa kanilang barangay.

Aniya pa, iba’t ibang sektor sa ilalim ng kanilang barangay ang lubos na makikinabang sa nasabing gusali gaya na lamang ng Sangguniang Kabataan, Senior Citizen, Child Development Sector at marami pang iba.

Dagdag pa niya, tunay na mapalad ang Calapan sa pagkakaroon ng isang namumuno na alam at kapa ang pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan at agad itong binibigyan tugon at isinasakatuparan.