Inauguration of (3) Concrete Road Project of the City Government of Calapan under the Morillo Administration

Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang Ribbon Cutting Ceremony, kasama ang mga kinatawan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗖𝗘𝗣𝗪𝗗) at ng bawat konsernadong Sangguniang Barangay. Pinasinayaan ang proyekto ng Pamahalaang Lungsod na mga konkretong kalsada na nag-uugnay sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝘁𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹, 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗽𝗶𝘁, 𝗧𝗮𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗲 na naisakatuparan sa ilalim ng administrasyong Morillo.

Ang (3) bagong konkretong daan ay simula sa Brgy. Sta. Isabel patungong Masipit, Masipit patungong Tawiran, at Tawiran patungong Balite.

Hatid ng proyektong ito ang kaalwanan sa mga mamamayan, higit sa mga gumagamit ng sasakyan, dahil sa patag, maayos, at sementadong daan na naisakatuparan sa pamumuno ng butihing Ina ng Lungsod na patuloy na nagsusumikap na matulungan ang taumbayan