Kauna-unahang Vegetable Derby sa Calapan, Binisita ni Mayor Morillo

Binisita ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang kauna-unahang 𝑽𝒆𝒈𝒆𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑫𝒆𝒓𝒃𝒚 sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝘀 na nailunsad noong Setyembre 14 at nilahukan ng 𝗥𝗔𝗠𝗚𝗢 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗲𝗱 𝗕𝗼𝘁𝗮𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, at 𝗘𝗮𝘀𝘁-𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗦𝗲𝗲𝗱.

Tuwang-tuwa naman ang Ina ng Lungsod dahil matagumpay na napalago at naging mabunga ang mga itinanim ng mga maggugulay ng 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝘀, 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗜, 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, at 𝗖𝗼𝗺𝘂𝗻𝗮𝗹 sa tulong na din ng tatlong seed companies.

Nabuksan sa publiko at mga mamimili ang naturang vegetable derby noong ika-10 ng Nobyembre. Ito ay sa pangunguna pa din ng Pamahalaang Lungsod at sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗩. 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, at 𝗻𝗶 𝗠𝗿. 𝗥𝗲𝗻𝗲 𝗗𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴𝘂𝗶𝗻𝗼𝗼 na siyang 𝑯𝒊𝒈𝒉 𝑽𝒂𝒍𝒖𝒆 𝑪𝒓𝒐𝒑𝒔 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑷𝒓𝒐𝒋𝒆𝒄𝒕 𝑪𝒐𝒐𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒕𝒐𝒓.

Gayundin, katuwang ng Pamahalaang Lungsod ang Sangguniang Barangay at maggugulay ng Personas, Canubing II, Balingayan, at Comunal, at ang 𝗣𝗲𝗱𝗿𝗼 𝗩. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹