Bilang Chairperson, pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗠𝘀. 𝗗𝗼𝗿𝗶𝘀 𝗚. 𝗠𝗲𝗹𝗴𝗮𝗿 (𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕, 𝑷𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆’𝒔 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒄𝒊𝒍) ang isinagawang 3𝒓𝒅 𝑭𝒖𝒍𝒍 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒄𝒊𝒍 𝑴𝒆𝒆𝒕𝒊𝒏𝒈 ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 na ginanap sa Calapan City Convention Center nitong ika-14 ng Nobyembre.
Ang aktibidad na ito ay pinangasiwaan ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pangunguna ni 𝗘𝗻𝗣. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗥. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 (𝑪𝑫𝑪 𝑺𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕𝒂𝒓𝒚), kung saan dinaluhan ito ng mga regular member ng naturang Komite, kabilang ang mga Punong Barangay at mga kasapi ng Civil Society Organization (CSO), kasama ang mga Department Head at Program Managers ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, at iba pang mga kinatawan na mula sa iba’t ibang Sangguniang Barangay ng Lungsod.
Pangunahing layunin ng naturang gawaing ito na maipresenta sa mga miyembro ng konseho ang mga impormasyon na mayroong kinalaman sa 𝑺𝒖𝒑𝒑𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑰𝒏𝒗𝒆𝒔𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 𝑵𝒐. 3 na tungkol sa mga proyekto at gastusin na kinakailangan sa pang-araw-araw na operasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
Dagdag pa rito, binigyang pansin at tinalakay din sa naging pagtitipong ito ang tungkol sa 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗕𝗮𝘀𝗲𝗱-𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 sa pangunguna ni 𝗠𝘀. 𝗛𝗲𝗿𝗰𝗵𝗶𝗲 𝗧. 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗹𝗼𝘀 (𝑺𝒆𝒏𝒊𝒐𝒓 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒊𝒔𝒕𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑺𝒑𝒆𝒄𝒊𝒂𝒍𝒊𝒔𝒕), gayundin ang tungkol sa 𝑰𝒏𝒇𝒓𝒂𝒔𝒕𝒓𝒖𝒄𝒕𝒖𝒓𝒆 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑷𝒓𝒐𝒋𝒆𝒄𝒕𝒔 sa pangunguna naman ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗟. 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮 (Cedric Errol A. De Guzman/CIO).