Sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa 𝑳𝑮𝑼 𝑵𝒊𝒈𝒉𝒕 𝑯𝒂𝒕𝒂𝒘𝒂𝒏𝒂𝒏 2023 na ginanap sa Munisipalidad ng Gloria nitong ika-13 ng Nobyembre.
Ang LGU Night Hatawanan 2023 ay isa sa mga programa nina Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 Ejay L. Falcon bilang bahagi ng masayang pagsalubong sa 𝑭𝒊𝒆𝒔𝒕𝒂 𝑴𝑨𝑯𝑨𝑳 𝑻𝑨𝑵𝑨, ang ika-73 taong pagkakatatag ng Lalawigan ng Oriental Mindoro. Sa City Tourism, Culture and Arts Office — pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗘. 𝗚𝗮𝘂𝗱, na siya namang naging abala sa paghahanda ng ating pambato sa sayawan.
Nagwagi naman sa unang puwesto (1𝒔𝒕 𝒑𝒍𝒂𝒄𝒆) sa Hatawanan 2023 ang Munisipalidad ng 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻; pumangalawa (2𝒏𝒅 𝒑𝒍𝒂𝒄𝒆) ang 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀 at pumangatlo (3𝒓𝒅 𝒑𝒍𝒂𝒄𝒆)ang bayan ng 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗹𝗮𝗰𝗮𝗼. Bagama’t natalo ang Calapan, mag-uuwi pa rin ito ng Consolation Prize na 𝗣𝗛𝗣 𝟮𝟬,𝟬𝟬𝟬.
Lalo namang naging masaya ang LGU Night dahil sa Special Guests na sina 𝗦𝗵𝗼𝘄𝘁𝗶𝗺𝗲 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗤 𝗮𝗻𝗱 𝗔 — 𝗔𝘆𝗲𝗲 𝗮𝘁 𝗩𝗮𝗻𝗲𝘀𝘀𝗮, 𝗔𝘁𝗲 𝗚𝗮𝘆, at ang bandang 𝗦𝗵𝗮𝗺𝗿𝗼𝗰𝗸.