“𝑻𝒉𝒆𝒚’𝒓𝒆 𝒄𝒓𝒆𝒆𝒑𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒚’𝒓𝒆 𝒌𝒐𝒐𝒌𝒚, 𝒎𝒚𝒔𝒕𝒆𝒓𝒊𝒐𝒖𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒑𝒐𝒐𝒌𝒚.”
Mahigit 𝟭𝟬𝟬 Calapeños ang nakilahok sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗲𝗻̃𝗼 𝗦𝗽𝗼𝗼𝗸𝘁𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟯 na handog ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng Calapan City Tourism, Culture and Arts — sa pamumuno ni 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗘. 𝗚𝗮𝘂𝗱, nitong ika-31 ng Oktubre.
Nagtipon ang mga Calapeños suot ang kanilang mga Halloween costumes sa Oriental Mindoro National High School Gymnasium at sama-samang pumarada sa kahabaan ng J.P. Rizal St. upang mag-trick or treat.
Maging ang ilang mga establishments ay nakiisa sa kasiyahan dahil handog nila ang mga candies at iba pang treats para sa mga chikitings na kasali sa parada.
Samantala, nahati naman sa mga kategoryang kids, adults, at cosplayers ang mga kalahok dahil naghanda ang CTCAO ng cash prizes para sa tatlong may 𝑩𝒆𝒔𝒕 𝑯𝒂𝒍𝒍𝒐𝒘𝒆𝒆𝒏 𝑪𝒐𝒔𝒕𝒖𝒎𝒆𝒔 sa bawat kategorya. Nagwagi ng 𝗣𝗛𝗣 𝟯,𝟬𝟬𝟬 ang mga nakakuha ng Unang Pwesto (1𝒔𝒕 𝑷𝒍𝒂𝒄𝒆), 𝗣𝗛𝗣 𝟮,𝟬𝟬𝟬 naman sa Ikalawa (2𝒏𝒅 𝑷𝒍𝒂𝒄𝒆), at 𝗣𝗛𝗣 𝟭,𝟬𝟬𝟬 sa Ikatlo (3𝒓𝒅 𝑷𝒍𝒂𝒄𝒆).
Tumayong mga hurado naman sina 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹 𝗝𝘂𝗻 𝗖𝗮𝗯𝗮𝗶𝗹𝗼, 𝗠𝘀. 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗝𝗮𝘇𝗿𝘆𝗹 𝗚𝗮𝘆𝗲𝘁𝗮, 𝗮𝘁 𝗠𝗿. 𝗟𝗼𝘂𝗶𝗲 𝗨𝗰𝗵𝗶𝗲 𝗖𝗼𝗿𝘁𝗲𝘇. Nakilahok din sa nasabing kasiyahan si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci.
Hindi lamang kuwela at katatakutan ang naihasik sa Lungsod ng Calapan, naging mahiwaga din ang araw na ito para sa mga bata dahil sa Magic Show na handog din ng Pamahalaang Lungsod — bagay na lalong nagpatamis sa ngiti ng bawat batang Calapeño.