Sa pangunguna ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗦𝘂𝗿𝗴𝗲𝗼𝗻𝘀 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗧𝗮𝗴𝗮𝗹𝗼𝗴 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 (𝗣𝗦𝗚𝗦-𝗦𝗧𝗖 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗢𝗥𝗢), isinagawa ang aktibidad na “𝑻𝒉𝒆 𝑷𝒊𝒏 & 𝑭𝒊𝒕 (𝑻𝒉𝒆 𝑷𝒊𝒏𝒌 𝑭𝒊𝒕𝒏𝒆𝒔𝒔) 𝑫’ 𝑭𝒊𝒕𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑩𝒓𝒆𝒂𝒔𝒕 𝑪𝒂𝒏𝒄𝒆𝒓 2023”, para bigyang daan ang “𝑷𝒉𝒚𝒔𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑭𝒊𝒕𝒏𝒆𝒔𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒆𝒏𝒆𝒔𝒔”, kontra Breast Cancer, ginanap sa Kalap Park, Calapan City Hall, nitong ika-29 ng Oktubre.
Tampok sa gawaing ito ang Physical Fitness Activity, katulad ng cross-fit o functional Exercise na isa sa makabuluhang paraan upang makaiwas sa anumang uri ng kanser, kung saan nilahukan ito ng mga kababaihan at kalalakihang Calapeño na sumusuporta sa magandang adbokasiyang nakatuon sa paglaban sa Breast Cancer.
Samantala, nakiisa rin sa nasabing aktibidad si 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗢𝗠𝗠𝗦 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗛𝗼𝗻. 𝗛𝘂𝗯𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼𝗽𝗵𝗲𝗿 𝗔. 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗗𝗿. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗜. 𝗱𝗲𝗹𝗮 𝗣𝗮𝘇, at 𝗖𝗬𝗦𝗗𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗟. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻.
Katuwang sa naturang aktibidad ang 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 (𝗢𝗠𝗠𝗦), at mga Private at Government Hospital sa Lungsod ng Calapan, kasama ang 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 at 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, gayundin ang CF Mindoro, at City Youth and Sports Development Department.