Sa isinagawang selebrasyon ng pamahalaang lungsod ng 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗔𝗥𝗘𝗔 𝗗𝗔𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟯 kamakailan na nagkaroon ng temang 𝗙𝗿𝗼𝗺 𝗧𝗿𝗮𝘀𝗵 𝘁𝗼 𝗙𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗿𝘁:
𝑻𝒖𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑻𝒉𝒆 𝑻𝒊𝒅𝒆 𝒐𝒏 𝑶𝒄𝒆𝒂𝒏 𝑷𝒍𝒂𝒔𝒕𝒊𝒄 𝑷𝒐𝒍𝒍𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏, naging highlight ng pagdiriwang ang ‘𝑰𝒏𝒔𝒕𝒂𝒍𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑨𝒓𝒕 𝑪𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕’ na pinangunahan ng Fisheries Management Office sa pamamahala ni 𝗙𝗠𝗢 𝗢𝗜𝗖, 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀.
Mula sa siyam (9) na paaralan sa lungsod ng Calapan na nag showcase ng mga obra mula sa basura, nakuha ng 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 ang unang pwesto (1𝒔𝒕 𝑷𝒍𝒂𝒄𝒆) at nakapag-uwi ng premyo na nagkakahalaga ng 𝗣𝟮𝟬,𝟬𝟬𝟬 mula sa kanilang obra na tinawag nilang 𝗖𝗿𝗮𝗯 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗮𝗿𝗯: 𝗖𝗿𝗲𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗪𝗮𝘆𝘀 𝘁𝗼 𝗭𝗲𝗿𝗼 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲.
Pinasundan naman ito sa ikalawang pwesto (2𝒏𝒅 𝑷𝒍𝒂𝒄𝒆) ng obrang 𝗣𝗲𝗿𝗽𝗲𝘁𝘂𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗶𝗯𝗲: 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱𝗶𝗮𝗻𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗘𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗮𝘀 ng mga mag-aaral mula naman sa 𝗣𝗲𝗱𝗿𝗼 𝗩. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, na nakapag-uwi ng 𝗣𝟭𝟱,𝟬𝟬𝟬.
Ang 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗛𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗘𝗮𝗴𝗹𝗲 na obra naman ng 𝗡𝗮𝗴-𝗜𝗯𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 ang nakakuha ng ikatlong pwesto (3𝒓𝒅 𝑷𝒍𝒂𝒄𝒆) na nakapag-uwi ng premyong nagkakahalaga ng 𝗣𝟭𝟬,𝟬𝟬𝟬.
Samantala, nakakuha din ng premyo ang mga hindi napabilang sa Top 3 sapagkat sila’y nabigyan ng consolation prize na tig-𝗣𝟱,𝟬𝟬𝟬 𝗽𝗲𝘀𝗼𝘀.
Sa huli, pabatid ng pamahalaang lungsod, nawa ay higit pa sa pagkilala at premyo ang tumatak sa mga nakilahok nating mga mag-aaral, bagkus ay mapukaw sila at mamulat na silang kabataan ang susi sa higit na pagpapahalaga, pag-aalaga at pagpapabuti ng katayuan ng ating Inang Kalikasan.