Nagsagawa ng Emergency Meeting ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Calapan, kaugnay sa kasalukuyang kumakalat na 𝗔𝗦𝗙 o mas kilala bilang 𝗔𝗳𝗿𝗶𝗰𝗮𝗻 𝗦𝘄𝗶𝗻𝗲 𝗙𝗲𝘃𝗲𝗿, sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, kasama si 𝗗𝗿. 𝗖𝗵𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠. 𝗠𝗮𝗰𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 (𝗩𝗲𝘁𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗜𝗩) ng 𝗩𝗲𝘁𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, ginanap sa Executive Department Building Main Conference Hall, City Hall, nitong ika-20 ng Oktubre.
Binigyang pansin at tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga plano at hakbang na isasagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod, bilang paghahanda, para makaiwas sa African Swine Fever na nakaaapekto lamang sa mga kapwa baboy at hindi mapanganib sa kalusugan ng taong makakakonsumo ng karneng baboy.
Inaasahan na mas paiigtingin pa ang operasyon ng pagbabantay at pagsusuri ng mga dumadaang sasakyang pangtransportasyon sa mga pangunahing daang papasok sa Lungsod, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Checkpoint, bilang pag-iingat, at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan.
Samantala, kasama rin sa naturang pagpupulong ang ilan sa mga Department Head at Office Head ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, gayundin ang iba pang mga kinatawan na mula sa iba’t ibang departamento at opisina na katuwang sa mga isasagawang aksyon.