Nasa kabuuang 𝟯𝟯𝟯 na benepisyaryo ang nakatanggap ng nagkakahalagang 𝗣𝗵𝗣 𝟯,𝟬𝟬𝟬 sa isinagawang 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝑰𝒏𝒅𝒊𝒗𝒊𝒅𝒖𝒂𝒍𝒔 𝒊𝒏 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒊𝒔 𝑺𝒊𝒕𝒖𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 (𝑨𝑰𝑪𝑺) 𝑷𝒂𝒚𝒐𝒖𝒕 , mula sa 1 Milyong pisong pondong ipinagkaloob ni 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 Raffy Tulfo, para sa mga Calapeñong mula sa iba’t ibang sektor, ginanap sa City Mall Activity Center, Brgy. Ilaya, Calapan City, nitong ika-19 ng Oktubre.
Ang naisakatuparang aktibidad ay bunga ng pagsusumikap ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀- 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa mga Senador, para makakalap ng mga karagdagang tulong, para sa mga nangangailangan.
Matagumpay na naibaba ang tulong pinansyal na ito sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Mayor Malou Morillo, at sa pamamagitan ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na pinamumunuan ni 𝗦𝗧𝗣 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼.
Katuwang din dito ang 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗦𝗪𝗗), sa pangunguna ni 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗜𝗜, 𝗠𝘀. 𝗦𝗼𝗻𝗶𝗮 𝗖. 𝗠𝗮𝗻̃𝗲𝗯𝗼, gayundin ang City Mall Calapan.
Samantala, lubos namang nagpapasalamat ang mga mamamayan ng Lungsod na nakatanggap ng ayuda, para sa malasakit ni Sen. Raffy Tulfo at bukas-palad na pagtugon ng Punong Lungsod, para sa kanilang kapakanan, gayundin para sa Pamahalaang Lungsod at sa DSWD.