Bunga ng magandang relasyon sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng Blue Alliance Philippines ay nagpapatuloy ang pagsasakatuparan ng mga hakbang tungo sa layuning mabigyan ng magandang pamayanan ang mga nasa fishing community sa pamamagitan ng aktibong pangangalaga at pagpapaunlad ng karagatan. Kaugnay nito, isa na namang floating asset ang ipinagkaloob ng Blue Alliance para sa Lungsod sa ilalim ng co-management initiative.
Pinangasiwaan ng Fisheries Management Office ang pagpapasinaya sa 𝑩𝒓𝒂𝒏𝒅 𝑵𝒆𝒘 𝗕𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗗𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗩𝗲𝘀𝘀𝗲𝗹 na dinaluhan ng mga opisyales mula sa Pamahalaang Lungsod, mga kinatawan ng Blue Alliance at may representante rin mula sa 𝗕𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗣𝗿𝗼 𝗔𝗾𝘂𝗮𝘁𝗶𝗰𝘀, 𝗜𝗻𝗰., ginanap sa Barangay Lazareto, Calapan City, Oktubre 17, 2023.
Ang Bantay Dagat Patrol Vessel na ito ay locally manufactured mula sa BangkaPro and Aquatics Incorporated. May haba ito na 7.6 meters at may lapad na 2.4 meters. Pinapatakbo ito ng 115 HP outboard engine na kayang kumarga ng 15 pax load capacity. Ilan pa sa special features nito ay ang kanyang built-in fish finder, global positioning system at radio communications. Sa kabuuan ay nagkakahalaga ito ng 2.4 million pesos.
Ang naturang bangka ay multifunctional na maaaring gamitin para sa sea patrolling at diving purposes.
Ipinaabot ni 𝗢𝗜𝗖 – 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀 ang pagpapasalamat sa pamunuan ng Blue Alliance sa magandang oportunidad na ibinibigay nito upang mas mapag-ibayo pa ng kanilang opisina ang mga programa para sa sektor ng pangisdaan. Aniya pa, ang Bantay Dagat ng lungsod ay may mataas na moral sa pagtupad ng kanilang mandato dahil sa suporta na ibinibigay ng mga kabalikat gaya ng Blue Alliance.
Bilang tugon naman ng Blue Alliance sa nasabing pahayag ay sinabi ni 𝗠𝘀. 𝗧𝗲𝗿𝗲𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮, 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 na lubos silang nagagalak sa ipinapakitang dedikasyon ng City Government sa pamumuno ni Mayor Morillo upang pangalagaan at muling payabungin ang likas-yaman ng karagatan na siyang ring pangunahing nilalayon ng Blue Alliance. Ikinalulugod rin nila ang ipinamamalas na kasipagan at katapatan sa kanilang serbisyo ng mga Bantay Dagat. Sa pamamagitan nito ay umaasa ang kanilang institusyon na magpapatuloy ang maigting na relasyon ng Blue Alliance at ng City Government of Calapan para sa nagkakaisang pangarap para bantayan at linangin ang ating karagatan.
Samantala, sa nasabing okasyon ay kinatawan ni 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶 si City Mayor Malou Flores-Morillo, dito ay kanyang malugod na ipinaabot ang taus-pusong pagtanaw ng utang na loob at walang katapusang pasasalamat sa Blue Alliance sa isa na namang regalo para sa mga Calapeño. Maituturing aniya na maswerte ang lungsod sapagkat iilan lamang ang mga LGU sa buong bansa na nakakatanggap ng ganitong biyaya. Nangangako aniya ang kasalukuyang administrasyon na iingatan ang nasabing patrol vessel at epektibong gagamitin ito sa ikagaganda ng buhay ng taumbayan. Tinatanaw rin niya ang mas mahaba pang panahon ng pakikipagtuwang sa Blue Alliance.
Si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺 ay nagsabi naman na ang lahat ng ito ay resulta ng tiwalaan sa pagitan ng Blue Alliance at ng Pamahalaang Lungsod, kanyang binigyang diin na ang bawat pangako ay hindi lamang natatapos sa bawat salitang nilagdaan na nakapaloob sa kasunduan kundi ito’y nararapat maipakita sa pagkilos at seryosong pagtupad sa bawat ipinangako.
“𝑴𝒂𝒍𝒂𝒚𝒐 𝒑𝒂 𝒕𝒂𝒚𝒐, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒉𝒂𝒌𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒎𝒊𝒕 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒓𝒂𝒑 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒖𝒕𝒊𝒉𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒖𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒊𝒌𝒂𝒈𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏”, dagdag pa ni CA Ussam.
Ang karagdagang floating asset na ito aniya pa ay magpapataas ng kapabilidad sa mga Bantay Dagat na tumugon sa pagkakataon na kinakailangan ang kanilang serbisyo bilang mga tanod ng karagatang sakop ng lungsod. Magagamit rin ito sa aspetong magpapaunlad ng turismo.
Kanya ring ipinahayag na sa nakalipas na mga panahon ay napatunayan ang matibay na paninindigan ng kasalukuyang administrasyon laban sa mga gumagawa ng iligal sa ating karagatan.
Naniniwala aniya ang Pamahalaang Lungsod sa ‘𝑺𝒐𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑱𝒖𝒔𝒕𝒊𝒄𝒆’ para sa lahat, subalit kailangan din na panindigan ang batayang prinsipyo ng pangangalaga sa ating kalikasan at hindi maaaring makompormiso sa anumang bagay o kadahilanan ang pagpapatupad ng batas pangakalikasan. Upang siguruhing maayos at ligtas gamitin ang naturang Bantay Dagat Patrol Vessel ay isinagawa ang sea trial para dito habang itinuro din ni 𝗠𝗿. 𝗥𝘆𝗮𝗻 𝗧𝗲𝘃𝗲𝘀, 𝗕𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗣𝗿𝗼 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗮𝗹𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 sa mga Bantay Dagat Personnel ang vessel technical aspects.
Kasama rin sa mga ipinagkaloob ang 15 life jackets, apat na boat fenders, isang life ring at anchor.