Matapos ang mahigit limang taon ng paghihintay ay dumating na rin sa wakas ang bagong 𝑶𝒃𝒊𝒔𝒑𝒐 𝒏𝒈 𝑨𝒑𝒐𝒔𝒕𝒐𝒍𝒊𝒌𝒐 𝑩𝒊𝒌𝒂𝒓𝒚𝒂𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 sa katauhan ni 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘃. 𝗠𝗼𝗶𝘀𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗖𝘂𝗲𝘃𝗮𝘀, 𝗗𝗗, Setyembre 4, 2023.
Sa Calapan Port pa lamang ay matiyagang naghintay ang mga mananampalatayang katoliko na pinangunahan ng 𝑬𝒑𝒊𝒔𝒄𝒐𝒑𝒂𝒍 𝑻𝒓𝒂𝒏𝒔𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑻𝒆𝒂𝒎 kasama ang ilang mga katutubo sa pagdating ng bagong Obispo.
Inabangan sa tabing kalsada ang pagdaan ng kanyang sinasakyan at upang masilayan ang kanyang presensya ay masayang kinakawayan ng mga residente, mga palatandaan na buong pusong tinatanggap si Bishop Cuevas ng mga Mindoreño.
Bahagya mang naantala ang kanyang pagdating sa 𝗥𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮 𝗘𝗽𝗶𝘀𝗰𝗼𝗽𝗮𝗹𝗶𝘀 (𝐵𝑖𝑠ℎ𝑜𝑝’𝑠 𝑅𝑒𝑠𝑖𝑑𝑒𝑛𝑐𝑒) dahil sa masamang lagay ng panahon, ngunit sa kabila nito ay nanatiling masigla at buhay na buhay ang diwa ng mga naghihintay sa pagdating ng Obispo sa panibago niyang tahanan.
Sa welcoming program na isinagawa sa harapan ng Bishop’s Residence na matatagpuan sa Barangay San Rafael, Calapan City, ay isang payak na programa ang inihanda na sinaksihan ng mga kaparian, madre, lingkod-layko, mananampalataya at mga opisyales ng Lokal na Pamahalaan tulad nina 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗔. 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 at 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶.
Dito ay naunang ipinabatid ni 𝗙𝗿. 𝗥𝗮𝘆𝗺𝗼𝗻𝗱 𝗥𝘂𝗴𝗮 ang kasaysayan ng Residentia Episcopalis na mas kilala sa tawag na Bishop’s Residence na naipatayo noong 𝑴𝑪𝑴𝑳𝑿𝑿𝑿𝑰𝑰 𝑨.𝑫 (1982) sa kapanahunan ni 𝗕𝗶𝘀𝗵𝗼𝗽 𝗦𝗶𝗺𝗲𝗼𝗻 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗼.
Sa mensahe ni Governor Bonz ay kanyang ipinahayag ang taos-pusong pagtanggap sa Obispo na aniya’y regalo ng Diyos para sa lalawigan. Kanya ring sinabi na ang Pamahalaan at ang Simbahan ay magkalakhay na magkalakbay tungo sa kaligtasan ng mga Mindoreño.
Si 𝗩𝗲𝗿𝘆 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗡𝗲𝘀𝘁𝗼𝗿 𝗔𝗱𝗮𝗹𝗶𝗮 na dahil sa malubhang karamdaman na tumama kay 𝗙𝗼𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗕𝗶𝘀𝗵𝗼𝗽 𝗪𝗮𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗖𝗮𝗷𝗮𝗻𝗱𝗶𝗴 ay naitalaga ng simbahan bilang Administrator ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan, Nobyembre 12, 2018 ay pansamantalang gumampan ng tungkulin ng isang Obispo sa loob ng limang taon ay nagpaabot ng pasasalamat sa ating Panginoong Diyos at sa Santo Papa sa pagkakaloob sa mga Mindoreño ng Obispo na papalit kay Bishop Cajandig nang ianunsyo ng Vatican sa Roma noong Hulyo 29, 2023 kasabay ng kapistahan nina San Pedro at San Pablo na si Most Rev. Moises Cuevas na ang bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of Calapan.
Si Bishop Cuevas na ginawaran ng kanyang Sacerdotal Ordination noong Diyembre 6, 2000 at Episcopal Ordination noong Marso 19, 2020 ay nahirang bilang pang-apat na Apostolic Vicar of Apostolic Vicariate of Calapan subalit bago ito ay titular na Obispo ng Maraguia at Pantulong na Obispo ng 𝑴𝒆𝒕𝒓𝒐𝒑𝒐𝒍𝒊𝒕𝒂𝒏𝒂 𝑨𝒓𝒌𝒊𝒅𝒊𝒚𝒐𝒔𝒆𝒔𝒊𝒔 𝒏𝒈 𝒁𝒂𝒎𝒃𝒐𝒂𝒏𝒈𝒂.
Naging buod ng mensahe ni Bishop Cuevas ang kahalagahan ng pagtatagpo at pagtanggap, aniya ang pagtanggap sa isa’t isa ay pagtanggap kay Hesus na siyang may dahilan ng pakikipagtagpo niya at mga Mindoreño upang lalo pang lumawak ang misyong ipalaganap ang pakikipagtagpo ni Hesus sa lahat ng tao, lalo na sa mga nangangailangan.
Sa mga ngalan ng kanyang motto na “𝑽𝒊𝒓𝒈𝒂 𝑻𝒖𝒂 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒐𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐 𝑴𝒆𝒂” ay buo ang tiwala ng kaparian at tanang mananampalatayang Mindoreño sa taglay niyang natatanging kagalingan upang gumanap sa pagpapastol ng kawan na kanyang nasasakupan.
Bilang kinatawan ng mga Calapeño ay ipinayag ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang buong kagalakan at malugod na pagtanggap sa bagong Obispo kasunod nito ang pagkakaloob ng ‘𝑺𝒚𝒎𝒃𝒐𝒍𝒊𝒄 𝑲𝒆𝒚 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏’ na sumisimbolo sa bukal na pagtanggap at nagpapakita ng mataas na pagrespeto sa tungkulin at layunin ni Most Rev. Moises M. Cuevas bilang Punong Pastol ng relihiyong katoliko sa buong lalawigan.
Kasama din si Mayor Morillo sa pagsasagawa ng Canonical Possession para kay Bishop Cuevas. Ang Solemn Installation ni Bishop Cuevas ay gagawin sa darating Setyembre 6, 2023 na pangungunahan ni 𝗛𝗶𝘀 𝗘𝘅𝗰𝗲𝗹𝗹𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘃. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗝𝗵𝗼𝗻 𝗕𝗿𝗼𝘄𝗻, 𝗗𝗗 – 𝑨𝒑𝒐𝒔𝒕𝒐𝒍𝒊𝒄 𝑵𝒖𝒏𝒄𝒊𝒐 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆𝒔.