Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng pangangasiwa ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗶𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗜𝗟𝗚), matagumpay na naisagawa ang aktibidad kaugnay sa “2023 𝑪𝒂𝒑𝒂𝒄𝒊𝒕𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑼𝒓𝒃𝒂𝒏 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒖𝒏𝒊𝒕𝒊𝒆𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝑷𝒆𝒂𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 (𝑪𝑼𝑪𝑷𝑫) 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎-𝑷𝒉𝒂𝒔𝒆 3: 𝑪𝒐𝒍𝒍𝒂𝒃𝒐𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑷𝒆𝒂𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 (𝑬𝒏𝒈𝒂𝒈𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕)” na may temang “𝑻𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑨𝒌𝒎𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎𝒂 𝒂𝒕 𝑻𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒌𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑵𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒖𝒏𝒍𝒂𝒅 (𝑻𝑨𝑷𝑨𝑻𝑨𝑵)”, isinagawa sa ABC Hall, Local Government Center, City Hall Complex, nitong ika-17 ng Oktubre.
Ang 𝗖𝗨𝗖𝗣𝗗 ay isang community-based na inisyatiba na naglalayong itaguyod ang kapayapaan, seguridad, at panlipunang pag-unlad sa mga urban areas at ito ay idinisenyo upang bigyang kapangyarihan ang mga lokal na komunidad na tukuyin at tugunan ang kanilang sariling mga pangangailangan at prayoridad at magtulungan, upang makamit ang mga layunin.
Ang naturang gawain ay dinaluhan nina 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 “𝗕𝗶𝗺” 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 bilang 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓, 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮 𝗝. 𝗗𝗲𝗹 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝗶𝗼, 𝗖𝗦𝗘𝗘 (𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼), at 𝗘𝗻𝗽. 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗙. 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶, 𝗖𝗣𝗔, 𝗖𝗘𝗦𝗘 (𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆).
Ito ay nilahukan din ng mga Hepe at kinatawan ng iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor katulad ng Urban Poor, Women, Youth & Students, at Labor.