Kaugnay ng pagdiriwang ng 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗺𝗲𝗿 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 ngayong taon na may temang 𝗚𝗲𝗻𝗦: 𝑮𝒆𝒏𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆, muling nagsagawa ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 ng 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗶𝘁𝗽𝗶𝘁, ika-13 ng Oktubre na ginanap sa Calapan City Public Market sa pangunguna ni 𝗖𝗘𝗘𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗘𝗻𝗽. 𝗡𝗲𝗽𝗼 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿.
Isinakatuparan ang gawaing ito upang mabigyang importansya ang mga mamimili sa lungsod. Paniniwala ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, nararapat lamang na TAMA at hindi depektibo ang mga timbangan sa ating pamilihan upang makasigurado rin na TAMAng bilang at dami ng pinamili ang maiuuwi at makukuha ng taumbayan.
Sa pamamagitan ng Operation Pitpit, tunay na di maikakaila na sa Administrasyong Morillo, prayoridad ang pagtataguyod ng patas at TAMAng kapakanan ng consumer o mga mamimili.
Tinatayang nasa mahigit kumulang 𝟮𝟲 na defective weighing scales ang ‘pinitpit’ o sinira ngayong araw.
Naging kaisa at katuwang rin ng CEED sa gawaing ito si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗖𝗘𝗡𝗥𝗗 sa pamamahala ni 𝗠𝗿. 𝗪𝗶𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗟𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗵𝗼, 𝗣𝗗 𝗗𝗧𝗜 𝗢𝗿 𝗠𝗶𝗻 𝗗𝗶𝗿. 𝗔𝗿𝗻𝗲𝗹 𝗘. 𝗛𝘂𝘁𝗮𝗹𝗹𝗮, 𝗖𝗘𝗦𝗢 𝗩, na inirepresenta naman ni 𝗠𝘀. 𝗝𝗼𝘆 𝗗𝗶𝗻𝗴𝗹𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 at 𝗦𝗔𝗠𝗣𝗔𝗖𝗔 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗠𝗿. 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗔𝗿𝗲𝗹𝗹𝗮𝗻𝗼.