“𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒚 𝒂𝒕 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒊𝒎𝒊𝒕𝒂𝒅𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒆𝒃𝒊𝒍𝒆𝒉𝒊𝒚𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐” — Mayor Malou Flores- Morillo
𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 — Sa pangunguna ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, Miyerkules, ika-11 ng Oktubre, opisyal na isinagawa ang 𝑻𝒖𝒓𝒏𝒐𝒗𝒆𝒓 𝑪𝒆𝒓𝒆𝒎𝒐𝒏𝒚 ng mga 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒄𝒆𝒔 sa pamahalaang lungsod na nagmula sa 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗲 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 at 𝗠𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗦𝗵𝗿𝗶𝗻𝗲𝗿𝘀.
Ang ipinamahaging assistive devices ay binubuo ng wheelchairs, canes, crutches at walkers na sya namang ipamamahagi sa ating mga kababayang 𝗣𝗪𝗗𝘀.
Ayon sa Ina ng Lungsod, importante ang makapagpaabot ng ganitong uri ng karagdagang tulong sa sektor ng may kapansanan upang higit na matugunan ang kanilang medikal at pisikal na mga pangangailangan.
Sa mga ganitong pagkakataon, tunay namang adbantahe ng Calapan na mayroong namamahala na alam at agarang nagbibigay tugon sa anumang pangangailangan ng kaniyang nasasakupan.
Naging posible at matagumpay ang naturang gawain dahil na rin sa mga dedikadong tao sa likod ng nasabing aktibidad na kinabibilangan nina 𝗗𝗶𝗿. 𝗟𝗶𝗻𝗼 𝗦. 𝗢𝗻𝗴 – 𝑫𝒊𝒓𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓 𝑮𝒆𝒏𝒆𝒓𝒂𝒍 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒆𝒏𝒂𝒕𝒆 𝑷𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗠𝘆𝗿𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗗. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗿𝗶𝗰𝗮 – 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒏 𝑨𝒑𝒑𝒐𝒊𝒏𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕𝒔 𝑺𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕𝒂𝒓𝒚 na inirepresenta naman ni 𝗠𝗿. 𝗩𝗼𝗹𝘁𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗿𝗶𝗰𝗮 at 𝗠𝗿. 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗿𝗶𝗰𝗮, 𝑷𝑫𝑨𝑶 𝑶𝑰𝑪, 𝗠𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗠. 𝗔𝗴𝘂𝗮 𝗝𝗿., 𝗠𝗿. 𝗚𝗿𝗲𝗴𝗼𝗿𝗶𝗼 𝗔. 𝗟𝗮𝗹𝗼 – 𝑴𝑰𝑵𝑨 𝑫𝑬 𝑶𝑹𝑶 𝑺𝒉𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑪𝒍𝒖𝒃 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕 na kinatawan naman ni 𝗠𝗿. 𝗘𝗱𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗖𝗮𝘀𝗮𝗻𝗼𝘃𝗮, at 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼 – 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑻𝑨𝑴𝑨 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 𝑨𝒅𝒎𝒊𝒏𝒊𝒔𝒕𝒓𝒂𝒕𝒐𝒓.
Ang pagbibigay ng assistive devices sa pamahalaang lungsod ay resulta ng masigasig at mabuting ugnayan ng Ina ng Lungsod sa iba’t ibang ahensya, opisina, at sangay ng gobyerno.