Hinuli ng mga awtoridad ang limang (5) mangingisdang residente ng Brgy. Ibaba West, lungsod ng Calapan matapos itong maaktuhang iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Harka Piloto.
Ang mga nasabing mangingisda ay inaresto dahil sa paglabag sa 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟴𝟴 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟭, 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟭𝟴, na nagbabawal sa paggamit ng compressor sa pangingisda.
Nakuha mula sa kanila ang isang net bag, mga flash light, weights, kutsilyo, isang unit ng air compressor, box cooler na naglalaman ng iba’t ibang uri ng isda, spear fishing gun, at bangka na walang 𝑺𝒂𝒇𝒆𝒕𝒚, 𝑺𝒆𝒄𝒖𝒓𝒊𝒕𝒚, 𝒂𝒏𝒅 𝑬𝒏𝒗𝒊𝒓𝒐𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑵𝒖𝒎𝒃𝒆𝒓𝒊𝒏𝒈 (𝑺𝑺𝑬𝑵) ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pangingisda gamit ang compressor dahil sa panganib na dulot nito sa kalusugan ng tao maging sa yamang-dagat.
Ang adminsitrasyon ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ay seryoso sa pangangalaga sa likas na yaman ng Calapan, kung kaya’t isa ang 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 program sa pinagtutuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan na ang layunin ay mapangalagaan, maprotektahan, at mapahalagahan ang kalikasang nagbibigay kabuhayan, pagkain, at masiglang ekonomiya sa lungsod sa pamamagitan ng turismo.
Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗙𝗠𝗢) sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga katubigang sakop ng Calapan pati na ang pagtuturo ng tama at responsableng pangingisda.