Natalo man sa kanilang huling laban kontra sa Team Puerto Galera ay hindi nasira ang diskarte ng 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 sa muling pagsabak nito sa hard court ng 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿’𝘀 𝗖𝘂𝗽: 𝟮𝟱 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝘁𝗼𝘄𝗻 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟯.
Sa Sentrong Pangkabataan, Barangay Sapul, Calapan City, Oktubre 8, 2023 naganap ang laban ng 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 at 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗦𝗼𝗰𝗼𝗿𝗿𝗼, dito ay muling nakita ang bangis ng mga manlalaro mula sa Calapan upang pataubin ang kanilang katunggali.
Sa unang limang (5) minuto ng unang kwarter ay gitgitan pa ang palitan ng puntos sa pagitan ng dalawang koponan subalit pagsapit sa nalalabing tatlong (3) minuto ay nagsimula nang pumutok ang mga shooters ng Team Calapan hanggang sa last 2 minutes. Tinapos nila ang first quarter na may 13 puntos na kalamangan, 𝟮𝟲-𝟭𝟯 ang score.
Kahit anong pagpipilit ng kalaban na bumawi ay hindi ito umiepekto at lalo pang lumobo ang kanilang abante dahil sa 13-0 run mula sa mga birador ng Team Calapan. Nagtapos ang 2nd quarter sa iskor na 𝟱𝟴-𝟯𝟱, 23 puntos ang lamang ng Team Calapan.
Ang buong 3rd quarter ay dominado pa rin ng koponan ng Calapan na nagtapos sa 𝟳𝟳-𝟱𝟰, lamang pa rin ng 23 puntos ang Calapan. Sa unang isang (1) minuto ng 4th and final quarter dahil sa pagpupumilit ng Team Socorro na tapyasin ang tambak na kalamangan sa kanila ay bahagyang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa sa manlalaro ng magkabilang koponan na parehong tinawagan ng 𝒕𝒆𝒄𝒉𝒏𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒇𝒐𝒖𝒍𝒔.
Sa pagpapatuloy ng aksyon ay tila lalo pang ginanahan ang mga pambato ng Calapan na nagpatuloy sa pagkamada hanggang sa tuluyang tuldukan ang laban sa iskor na 𝟵𝟳-𝟳𝟮, tambak ng 25 puntos ang Team Socorro.