“𝗦𝗘𝗧𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗜𝗟: 𝑵𝒂𝒗𝒊𝒈𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝑵𝒆𝒘 𝑱𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚 𝑪𝒍𝒐𝒔𝒆𝒓 𝒕𝒐 𝒂 𝑫𝒓𝒆𝒂𝒎 𝑺𝒖𝒄𝒄𝒆𝒔𝒔”
Sasabak na sa kanilang Internship Program ang 𝟭𝟮𝟳 graduating students na kabilang sa Class of 2023-2024 𝗕𝗮𝗰𝗵𝗲𝗹𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗶𝗻 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 at 𝗕𝗮𝗰𝗵𝗲𝗹𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗶𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 sa 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻.
Upang pormal na maitalaga ang kanilang mga sarili bilang opisyal na 𝑶𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝑱𝒐𝒃 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒆𝒆 (𝑶𝑱𝑻) mula sa City College of Calapan Institute of Hospitality and Tourism Management ay isinagawa ang 1𝒔𝒕 𝑷𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒆𝒓𝒆𝒎𝒐𝒏𝒚, Oktubre 7, 2023, 3rd Floor Kalap Hall, City College of Calapan, Barangay Guinobatan, Calapan City.
Dumalo sa nasabing okasyon si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci upang ipadama ang kanyang pagsuporta sa mga mag-aaral gayundin ay upang katawanin si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa makasaysayang gawain.
Hindi man nakarating ang alkalde subalit sa pamamagitan ng kanyang mensahe na binigyang daan ni Atty. Magsuci ay naipaabot sa mga kabataang mag-aaral ng City College of Calapan ang kanyang kagalakan sa katagumpayan na kanilang naabot.
“𝑨𝒏𝒈 𝒂𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒂 𝒊𝒔𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒚𝒖𝒈𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒏𝒈 𝑫𝒂𝒍𝒖𝒃𝒉𝒂𝒔𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏. 𝑰𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒉𝒖𝒅𝒚𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒔𝒂𝒔𝒂𝒏𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒑𝒊𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒐𝒑𝒆𝒔𝒚𝒐𝒏. 𝑺𝒂 𝒍𝒐𝒐𝒃 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒕𝒍𝒐 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐𝒏 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒖𝒍𝒎𝒂 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 ‘𝒈𝒍𝒐𝒃𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒇𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍𝒔’ 𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒔𝒂𝒃𝒂𝒌 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒓𝒏𝒔𝒉𝒊𝒑 𝒏𝒂 𝒔𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒃𝒂𝒖𝒏𝒊𝒏 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒓𝒂𝒏𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒊𝒃𝒊𝒏𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒍𝒖𝒃𝒉𝒂𝒔𝒂𝒂𝒏. 𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒅𝒂𝒍𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒏𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒊𝒕𝒐’𝒚 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒐𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒔𝒖𝒔𝒖𝒎𝒊𝒌𝒂𝒑.
“𝑺𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒖𝒍𝒂𝒏𝒈, 𝒎𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒍𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒂𝒌. 𝑩𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂 𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒂 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒖𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒓𝒂𝒓𝒂𝒎𝒅𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒌𝒐 𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒓𝒂𝒓𝒂𝒎𝒅𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏. 𝑺𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒐𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐, 𝒎𝒂𝒊𝒕𝒖𝒕𝒖𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒏𝒕𝒊𝒑𝒂𝒍𝒂 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒂𝒌 𝒂𝒚 𝒖𝒏𝒕𝒊-𝒖𝒏𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒂𝒂𝒃𝒐𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒓𝒂𝒑 𝒔𝒂 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚. 𝑫𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒕𝒂𝒈𝒖𝒎𝒑𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒌𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒖𝒕𝒐 𝒂𝒕 𝒔𝒖𝒎𝒖𝒃𝒐𝒌 𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒂’𝒕 𝒊𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒓𝒂𝒏𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒕𝒂𝒉𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒏𝒅𝒂𝒔 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒈𝒂𝒏𝒂𝒑 𝒏𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒑𝒆𝒔𝒚𝒖𝒏𝒂𝒍” – City Mayor Malou Flores-Morillo.
Si City Councilor Federico Cabailo, Jr. ay naging kabahagi din sa okasyon at dito ay kanyang ipinaabot ang kanyang mensahe na nagbigay ng inspirasyon sa mga estudyante.
Sa Program Presentation & Pinning Session na pinangunahan ni 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗽𝗻𝗲𝘁, 𝗗𝗲𝗮𝗻 – 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆, 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 ay isa-isang tinawag sa entablado ang mga pangalan ng graduating students na sasabak sa kanilang internship journey kasama ang kanilang mga magulang na buong pagmamalaki na kinabitan ng name plate ang kanilang mga anak.
Matapos ang Pinning Ceremony ay agad itong sinundan ng pagsasagawa ng Pledge of Commitment. Sinabi ni Dr. Supnet sa kanyang mga estudyante na ang name plates na nakakabit sa kanilang dibdib ay sumisimbolo ng dedication, hardwork, and perseverance at habang ito ay nasa kanilang dibdib ay bitbit ng bawat isang mag-aaral ang pangalan ng City College of Calapan. Kanya ring binigyang diin ang mga katagang, “𝑯𝑴 𝑻𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒕 𝑻𝑴 𝑻𝒂𝒚𝒐!, 𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝑯𝑴 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕 𝑻𝑴 𝒍𝒂𝒏𝒈”.
Upang ipadama ang taus-pusong pagtanaw ng utang na loob sa pagsusumikap ng mga magulang upang itaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak ay binigyang pugay sila sa 𝑻𝒓𝒊𝒃𝒖𝒕𝒆 𝒕𝒐 𝑷𝒂𝒓𝒆𝒏𝒕𝒔 na bahagi pa rin ng nasabing programa.