Upang magkaroon ng ideya sa pagsisimula ng farm, magkakasamang binisita nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ang farm ng 𝗚𝘂𝗶𝗻𝗼𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 nitong ika-4 ng Oktubre.
Sa tulong ni 𝗠𝗿. 𝗘𝗱𝗴𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗔𝗴𝗼𝗻𝗰𝗶𝗹𝗹𝗼 ng 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 naging matagumpay ang pagtatanim ng pinya at mangga gamit ang 𝑼𝒍𝒕𝒓𝒂 𝑯𝒊𝒈𝒉 𝑫𝒆𝒏𝒔𝒊𝒕𝒚 𝑻𝒆𝒄𝒉𝒏𝒐𝒍𝒐𝒈𝒚.
Tuwang-tuwa naman ang mga pangulo ng ibang Farmers Association dahil sa mga kaalaman na ibinahagi ni Mr. Agoncillo. Anila, napakarami nilang nakuhang ideya kung paano sisimulan ang kani-kanilang barangay farm.
Bilin naman ni Mayor Morillo, mas maganda na iba’t iba ang pananim sa bawat barangay upang maiwasan ang pagkakaroon ng kumpetisyon. Gayunpaman, isa sa mga hangarin ng Punong Lungsod ay makilala ang Calapan bilang “𝑴𝒂𝒏𝒈𝒐 𝑪𝒂𝒑𝒊𝒕𝒂𝒍 𝒐𝒇 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐”.
Naroon din sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁, 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, at 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗢𝗿𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗠𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴.